|
whew! after long months of hibernating i'm finally back! hehe..pero not for long kasi feeling ko mawawalan na ulit ako ng time mag-internet. guess why? ......jan-ja-ra-ran!!! may trabaho na ako! woohoo! yup, natanggap ako as telephone operator sa oakwood. ang bilis nga eh. last monday lng ako nagpasa ng resume tapos ininterview ako ng tuesday sa HR tpos nung FO manager. feeling ko nga hnd na ako matatanggap dahil mas gusto nila yung wala ng iintindihin sa school. pero luckily, tinawagan nila ako ulit for final interview nung wednesday sa HR director nmn. tpos nung thursday umattend n ako ng new employees orientation. naks naman! feel na feel ah! hehe but since this week pa ang start ng training ko, umuwi muna ako sa nueva ecija dahil alam kong matatagalan bago ko ulit makita ang aking lupang sinilangan. at saka umuwi din kasi yung pinsan ko from dubai so gusto ko na din siya iwelcome. ayun nga, lumuwas na din ako nung sunday to prepare myself mwehehe..chorva lng yun. actually, inasikaso ko yung mga pre-employment requirements like nbi mayor's permit, health certificate at nbi clearance. speaking of nbi clearance, hagard pala kumuha nyan! grabe, buong maghapon akong pumila. yun bang nakabilad ka sa araw at wala talagang upuan tapos ten years talaga bago umusod ung pila. hay! buti na lang hindi masyadong matindi ang sikat ng araw kundi susumpungin tiyak ako ng migraine. finally, ang kulang ko na lang ay ang makati police clearance dahil hindi na pala sa city hall yun kinukuha dahil may bago n daw police station near ayala. bongga! nwei, hnd ko pa alam kung kelan ako makakakuha basta within 2 weeks dapat. hagard din ang duty ko sa training. tom 4pm-12mn ang duty ko. kaylangan ko kasi daanan lahat ng shift: 6am-2pm, 8am-4pm, 2pm-10pm at 4pm-12 mn. tpos sabi nila hnd ka nmn makakaalis ng 12mn sakto dahil minsan madami tumatawag. hay, katakot! dito pa nmn ako sa up vill umuuwi. pinag-iisipan ko nga kung lilipat ako sa makati or someplace nearby kaso ang mahal nmn ng rent. ubos din ang sweldo ko. speaking of sweldo, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung magkano ang kikitain ko dito sa trabaho na ito. malamang minimum wage lang tapos kakaltasan ka pa ng SSS, pag-ibig, taxes at kung anu ano pang contributions. naks! spoken like a true employee. hehe nwei, sana makayanan ko ang bagong challenge na ito. wish me luck guys! ang kapal ng mukha ko, wala pa din akong practicum report hanggang ngayon. malapit na ang deadline. huhu..at malapit na din ang language proficiency exam hindi pa ako nag-aaral. about my lovelife naman, masaya pa din ang buhay.=) malapit na kami magsix months! weehee! akalain nyo? madami din siguro ang magugulat na nakaabot na kami ng ganun katagal. well..=) sobrang thankful ako kay jeff for being so understanding sa mga panahong absentee girlfriend ako dahil sa practicum. at sa pagtulong nya sa akin sa bawat errand na kaylangan ko sa school. as in sobrang thanks! wag ka sana magsawa hehe..masungit lang talaga ako pero love na love kita..mushy!hehe sa mga friends ko jan, sori kung hindi ako nakakapagparamdam. basta tandaan nyo lang na kaibigan nyo pa rin ako. kung may problema kayo text nyo lang ako. baka lang hnd ako makareply kaagad dahil bawal celfone sa oakwood hehe..basta if you need help sabihan nyo lang ako and i'll try my best to help you. mwah! god bless us all.=) |