Entry: ... Jul 5, 2006



ang bilis ng panahon...yung last na entry ko dito yung bago ako magstart ng work sa oakwood...ngayon malapit na ko mag-end saka lang ulit ako nakapag-update. hanggang end of this month na lang ako dun, dapat nga til july 13 lang ako. naextend ako til end of this month bilang konswelo de bobo or most probably kaylangan pa nila ako.

sayang, akala ko magiging probi na ako..maski na telephone operator lang yun, sobrang magandang opportunity na yun para sa isang newly grad tulad ko. stepping stone ko na sana yun dahil mas madali na magmove sa isang organization basta maregular ka.

para kaming sinampal sa mukha...dalawa na kaming casual sa telex. pareho na naming kayang gawin ang trabaho ng regular employees. meron na kaming silent understanding na isa sa amin ang makukuha at okay lang yun. umasa kaming pareho, umasa ako na ako ang makukuha. but no! iba ang kinuha..bakit? hindi namin alam at hindi ko maintindihan..ayoko sanang maging bitter sa oakwood na hindi ako yung nakuha sa probationary position pero I can't help it lalo na at alam kong deserving ako sa position. I wish they will explain to us kung bakit ganun ang kinalabasan ng mga pangyayari. kaylangan kong malaman kung pano sila nagcome up with that decision.

kaya eto ako ngayon, malapit na maging bum ulet. naghahanap na naman ng panibagong trabaho. ang hirap... iniisip ko nga minsan na umuwi na lang sa nueva..at least dun kasama ko ang mommy ko hindi tulad ng andito ko nagpapakakuba sa trabaho, nagtitiis sa maliit na sweldo at madalang ko pa makasama ang pamilya ko.

pero iniisip ko din, susuko na ba ako agad sa laban? parang mawawalan naman ng silbi ang pagpapakahirap ng mommy ko na mapag-aral ako sa UP kung hindi ako magsusucceed dito. I owe it to my mom to succeed..I cannot give up...

   6 comments

xenia@jai
July 23, 2006   05:03 AM PDT
 
thanks jai! oo nga eh, pinag-iicipan ko tlg yung option na yun kaso wala nmn sa aming resort or hotel na feeling ko ay ok ok nmn na pasukan.. hay gudlak tlg!
xenia@ate arms
July 23, 2006   05:02 AM PDT
 
oo nga ate arms, iba na tlg noh? parang ang seryoso na natin sa buhay. nakakamiss ang collegelife...wah!
xenia@rach
July 23, 2006   04:59 AM PDT
 
true! doubtful talaga hehe... good decision ang ginawa mo. tignan mo ako, puro extension lang ang nangyayari. naextend na naman ako hanggang aug 6.tsk tsk
jai
July 22, 2006   06:13 PM PDT
 
ate..
lam mo bang may prob din ako? haha.. pag binasa mo yung entry ko parang katapusan narin ng mundo..
anyway, opinion ko lang po tong sasabihin ko. bahala ka narin diba?
uwi ka muna. dun ka muna maghanap ng work sa inyo. you'll also be doin your mom a favor.. how? hehe.. if sisikat ka dun sa nueva, sisikat din mom mo. seryoso toh ah. i mean, be the best sa province nyo and build your name there.. kahit 1-2years lang.. then when you decide to work here sa mla, then you have a lot going for you na. be a head manager sa isang maliit na resort sa province.. i mean pang credentials lang muna..
i know im a psych major and have no idea with what you're into, but hey.. i believe it would work.
investment in work experience.
may oakwood ka na. tapos magkakaron ka ng mataas na position sa isang hotel sa province nyo.. when you apply, mejo advantage mo na yun kasi they would know thay you CAN handle people..
o well, random toughts lang po yun..
miss nkta ate.. muah! ingat ka po palagi
armskie
July 6, 2006   02:24 AM PDT
 
Hala! grabe na ang mga sentimyento natin lately ah, puro about trabaho na.

Tama si rach, yayaman din tayo, kala nila!!!
rach
July 5, 2006   07:56 AM PDT
 
haynakuh. kaya di kame nag-apply sa oakwood eh... doubtful ang hiring criteria. haha. batas-militar pa. hehe.

hay mama xen... yayaman din tayo. tandaan mo yan.Ü

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments